Martes, Disyembre 27, 2016

Mga dapat gawin para di masaktan sa Pag-ibig



Paano nga ba maiiwasang masaktan sa pag-ibig? Narito ang ilang tips para hindi kana masaktan sa pag-ibig.



Huwag kang tatanga-tanga

Masakit ano po? Pero kailangan nating tanggapin na nagpapakatanga tayo sa mga bagay o tao na hinding-hindi naman mapapasa'yo.

Tandaan, hinding-hindi ka madadapa kung tinitignan mo lamang ang dinadaanan mo. 

Huwag kang mag-expect

Huwag umasa at lalong huwag maging assuming. Iwasan mong magmahal sa taong nilalandi ka lang. Pinakilig ka lang saglit ay mahal mo na agad?

Alamin mo muna kung gusto ka rin niya, baka paasa lang. At ikaw naman laking assuming.

Tandaan, pwedeng kiligin pero bawal na bawal mag-assume.

Huwag maniwala sa konsepto ng forever

Lalo na kung 13-year-old ka pa lang. Huwag ka munang lumandi iha, aral ka muna. 

Tandaan, ang batang may pinag-aralan syempre tumatalino hindi lang sa buhay kundi maging sa pag-ibig.

Matutong dumistansya

Kung alam mong may iba iwanan mo na. Huwag mong landiin ang may asawa ng may asawa. 

Tandaan, mahirap ng mabangga at madisgrasya. Kaya keep distance.

Piliin ang mga taong pagkakatiwalaan mo

Hindi lahat ng nasa paligid mo ay totoo sa'yo. Habang totoo ka sa kanila ay pinaplastic ka lang naman pala. 

Tandaan ang sabi ni Carmi Martin, ang mundo ay isang malaking Quiapo maraming snatcher maaagawan ka. Lumaban ka.

Huwag magmahal ng sobra

Kung alam mong nasasaktan kana, itigil mo na.

Tandaan, lahat ng sobra ay masama. 

Nalulungkot ka kasi wala kang lovelife at natatakot ka naman masaktan kapag na-fall inlove ka. So ano ba talaga?

Pero ang masaktan ay parte ng pag-ibig. Kung ayaw mo talagang masaktan sa pag-ibig, huwag kang magmahal.


1 komento:

  1. Paano yan hindi ko mapigilan ung nararamdaman ko dun sa crush ko nagseselos at nasasaktan ako pag lagi kong nakikitang may kasama syang iba

    TumugonBurahin