Martes, Disyembre 27, 2016

Iba't-ibang uri ng walang Assignment



Naiwan pero may gawa daw.


Ito 'yung estudyante na maraming dahilan kung bakit walang assignment. Ipagpipilitan niya na may nagawa siya ang kaso nakalimutan niya lang dalhin.

Idadahilan niya na naglaba pa siya, nagluto, inutusan ng magulang, at kung anu-anong dahilan na magmumukha siyang masipag sa bahay nila para masabi ni Sir na kahit nakalimutan niya assignment niya, masipag siyang mag-aaral.

Pwede bukas?

Wala siyang nagawang assignment kasi may inuna siyang gawin sa ibang mga subject. Idadahilan niya na grupo daw dapat silang gagawa sa ibang subject ang kaso siya lang mag-isa ang gumawa kaya hindi niya napagtuunan ang assignment.

Ma-i-impress si teacher dahil kahit wala siyang assignment ay nagsipag siya sa ibang subject. Kaya sasabihin ni student, pwedeng bukas nalang Sir?

Di ako na-inform!

Kunwari magugulat siya at magtatanong siya, ha may assignment pala? Hindi ako na-inform Sir!

Makikipagsabwatan pa sa mga kaklase na hindi daw siya na-inform ng mga ito kaya hindi siya nakagawa ng assignment. At lalabas na siya pa ang galit kasi hindi siya na-inform.

Ma-drama.

Huhugot siya ng linya para maalis sa isip ng teacher niya na hindi mahalaga ang assignment. 

Bakit Sir? Madidikta ba ng Assignment ang kapalaran ko? Pag wala ba kong Assignment di na ko uunlad sa buhay? Di naman ganun yun sir.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento