Martes, Disyembre 27, 2016

Mga signs na inLOVE ka



Paano mo nga ba masasabi na inLove ka?




Nagagawa mo na 'yung mga hindi mo kayang gawin dati. (tulad ng magpakatanga haha)

'Yung makita mo pa lang siya kinikilig kana. 

May sasabihin ka sana,  pero nakalimutan mo na. Kasi speechless ka sa kagandahan/kagwapuhan niya.

'Yung kapag nagsmile siya, halos ma-ihi kana sa sobrang kilig. (smile palang ulam na, haha)

Pag nagtext siya magpapaload ka agad kasi gusto mo siya makatext. (tapos hindi nagreply, failed! sayang load haha)

Hindi ka makatulog kakaisip sa kanya. (Kaya ayun, puyat!)

Lagi mo siyang tinitignan at sinusundan. (ano ka stalker?)

Nalulungkot ka pag hindi mo siya makita o makatext. 

Nilalait mo 'yung girlfriend/boyfriend niya o kaya 'yung mga nalilink sa kanya. (at sasabihing 'mas maganda/pogi pa ko dyan eh')

Lagi mo tinitignan profile niya sa facebook.

'Yung makatanggap ka lang ng text niya at kakabog na ng mabilis ang puso mo sa sobrang excite.

Matataas lagi ang exams at grades mo. (inspired at inlababo kasi eh haha)

'Yung feeling ng hinawakan ka niya, ramdam mo na 'yung tinatawag nilang spark o kuryenteng nararamdaman mo.

Lagi kang tulala, mukhang nasa kawalan at laging nag-de-daydreaming.

Laging updated sa taong gusto niya. 

Kinakabahan ka paglalapit na 'yung taong gusto mo.

'Yung maisip mo palang siya, napapangiti kana at tumatawa. (nagmumuka ka tuloy baliw haha)

Lagi mo siyang iniisip.

Nagiging futuristic ka, iniisip mo kung ano mangyayari sa inyo sa future. (tulad ng ini-imagine mo kung paano kayo magkiss haha)

Lagi mo sinusulat 'yung name niya sa notebook mo.

Blooming at lagi daw masaya ang mga inlove?

Pag may parehas kayong bagay o kaya kulay ng damit, napapasabi ka na soulmate kayo. (hindi ba pwedeng nagkataon lang? haha)

Wini-wish mo na sana mapanaginipan mo siya.

Lagi siya 'yung bukang bibig mo. Saka tungkol lagi sa kanya 'yung kinukwento mo.

Pag kasama mo siya para kayong may sariling mundo. (obsessed ka na masyado)

Lagi ka concious sa sarili mo.

Lagi ka tumitingin sa salamin. Nagpapaganda/gwapo.

Nauutal ka lagi sa harap niya.

Pag tumitingin siya sayo, para kang natutunaw sa titig  niya.

Nalilimutan mo na lahat ng problema mo dahil sa kanya at syempre kumakabog ang dibdib mo pag nakikita mo siya.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento