Lunes, Disyembre 26, 2016

Paano maging positive sa buhay?



Lahat tayo ay dumadaan sa isang panahon na nakapag-iisip tayo ng mga negatibong pananaw sa buhay. Pero kung napapansin mo na ito ay nagiging libangan mo na, kailangan mo na itong ayusin.



Ano ang mga dapat gawin para maging positive ang pananaw natin sa buhay?

Surround yourself with positive people. 

Piliin mo 'yung mga taong positibo mag-isip, nag-e-encourage sa'yo, at may kakayahang magbigay ng inspirasyon para sa'yo.

Layuan mo yung mga taong negative mag-isip. Iyong tipong reklamo ng reklamo. Dahil kung may kaibigan ka na reklamo ng reklamo sa buhay maaaring one day ay magiging reklamador ka na din.

Kung galit lagi ang iyong sinasamahan, aburido, at parating hindi mapakali, after one day puwedeng matulad ka sa ugali nila.

Tandaan, choose the people you want to be surrounded with.

Starts reading good books and attend inspiring seminars.

Malaki ang maitutulong nito upang maging positibo sa buhay. Subconsciously, mahalaga ang impluwensya nito sa positibong pananaw.

Kung lagi kang nanonood ng mga news sa T.V. o magbasa ng newspaper, karamihan ng mga impormasyon dito ay naghahatid ng mga hindi magagandang balita.

Kadalasan pumapasok ito sa mind set natin na mas nakaka-impluwensya ng mga negatibong pananaw. Subukan mong magbasa ng mga inspiring na libro, tungkol sa mga taong naging matagumpay sa buhay.

Makakatulong sa'yo ito upang baguhin ang iyong kaisipan mula sa hindi magandang pananaw patungo sa maaliwalas na kaisipan.

Find mentors who can inspire you.

Whether you like it or not, mahirap payuhan ang iyong sarili. Kung mapapansin mo, ikaw sa sarili mo, mabilis kang magbigay ng payo sa ibang tao pero pagdating sa sarili mong problema napakahirap na payuhan ang sarilli.

So you need an outside who can really speak into your life na magbibigay ng better perspective kung ano ba talaga ang mga issues mo at saan ba nagmumula ang mga problema mo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento