Martes, Disyembre 27, 2016

Paano mo malalaman na CRUSH ka ng CRUSH mo?



Kapag nahihiya s'yang makipag-usap sa'yo. 'Yun bang naiirita s'ya sa'yo. Nauutal s'ya pag kinakausap mo s'ya. 


Kapag tinititigan ka niya ng matagal, lets say tumagal ng 6 seconds, may crush sa'yo 'yun! O kaya naman nahuli mo s'yang tumingin sa'yo sabay nilihis n'ya tingin n'ya.

Lagi s'yang papansin sa'yo. 'Yung tipong aasarin ka n'ya hanggang magalit ka. Para lang makuha ang atensyon mo.

Iba s'ya makipag-usap compared to others. 'Yung tipong kinakabahan s'ya, 'yung ang labo n'ya kausap. 'Yung tipong kung anu-ano ang pinagsasabi, 'di mo s'ya maintindihan. Mapapatanga ka kasi di mo s'ya maintindihan. 

Imbestigador, 'yung tipong dinaig pa si detective conan sa pag-iimibistiga. Tinanong buong pagkatao mo, tinanong birthdaymo, favorite color mo etc.

Kapag kinuha ang number mo. Syempre text text, tawag tawag, kung hindi niya makuha ng personal sa'yo kukunin n'ya sa mga friend mo. Sabay magtetext, tapos pag di ka nagreply magpapatama ng kung ano-ano. Pero pag tinext mo naman s'ya, daig pa n'ya kidlat sa bilis n'ya magreply. At pagnagtext s'ya laging may heart at smiley. 

Sino-sopresa ka n'ya. Pag birthday mo may regalo s'ya, pagvalenties may roses, pabango, kwintas, singsing, card, lahat na! 

Pag sa chat, close; sa personal, nga-nga. Sobrang close kayo sa chat. Pero pag sa personal walang masabe, tulala lang minsan. 

Likers. 'Yung tipong kakapost mo lang sa facebook, superlike kaagad s'ya. 

Pagsinabi na n'yang crush ka n'ya. That's the moment na alam mo na?! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento