Martes, Disyembre 27, 2016

Bakit Walang Forever?



"Ayieee, bagay kayo!", susubukan kong mahalin ka. I love you, hindi ko kaya kung mawawala ka pa. Ikaw lang.. ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Pamilyar ba sa'yo ang mga linyang ito?


Mga salitang nagsimula sa 'Hi Crush.' Mga asarang nauwi sa 'Mahal na ata kita.' Na hanggang ngayon nananatili pa din sa iyong masasakit na ala-ala. 

Ang hirap umasa hindi ba? Akala mo kasi siya na 'yung taong para sa iyo, na siya na 'yung matagal mong hinihintay, ang taong makakasama mo 'Forever.'

"Walang forever!", maghihiwalay din 'yan! Lolokohin ka lang niya! Tulad ba ng ginawa niya sa'yo dati? Pinangakuan, pinakilig, pina-asa, pina-iyak, at sa huli ay iniwanan. 

"Bitter na kung bitter basta walang forever!" Mga katagang lagi mong binibitawan kasi hindi mo pa kaya, hindi mo matanggap, kasi nga minahal mo siya. 

Pinagkatiwalaan mo siya, umasa ka sa mga pangako niya, pangakong wala ng tutupad kasi may iba na siya. Wala nga bang forever? O sadyang hindi mo lang matanggap pa sa sarili mo na wala na siya? 

Na kahit anong gawin mo wala na 'yung ka-forever-an mo. Na nagmahal ka ng taong di marunong tumupad sa mga pangako.

Bakit nga ba walang forever? Kasi patuloy ka pa din nabubuhay sa mga pangako. Kasi ayaw mo pang iwanan ang nakaraan mo.

May pagkakataong kailangan nating iwanan ang mga bagay  na nagpapabigat sa ating buhay. Dahil paano mo hahanapin ang forever mo kung hinahatak ka ng iyong nakaraan? 

Kung hindi man ganito ang senaryo mo, aminin mo man o hindi ay tulad ka din nila na umaasa, at pina-asa. Oo at ang iba ay nakikiuso lamang, ngunit nag-aantay din ng taong magpapatunay kung may forever man o wala.

Simple lang naman, pag mahal mo, may forever. Pag sinaktan ka na, walang forever! Dahil umasa ka na naman kaya ka naging bitter. Forever pa din tayong mamahalin ni God.

1 komento:

  1. Napaka true to life naman nito! Sobra akong na relate kasi isa ako sa mga PINA-ASA!! :(

    TumugonBurahin