Paano mo nga ba masasabing nagiging tanga ang isang tao pag nagmamahal?
Tanga kaba kung nagbibigay ka ng walang kapalit? Kung nagmamahal ka ng mali? Patuloy kang umaasa na mamahalin ka ng taong mahal mo? Kung nagmamahal ka pero hindi ka naman pinahahalagahan? Kung nagiging mahina ka kahit malakas ka? Kung wala kang paki-alam sa sasabihin ng iba? Kung patuloy kang lumalaban kahit ikaw na lang mag-isa? O mas tanga ka kung hindi mo pinapahalagahan ang taong nagmamahal sa'yo ng sobra?
Sa buhay natin wala atang hindi naging tanga sa larangan ng pag-ibig, ganun talaga minsan ang pag-ibig.
Nagmamahal ka kahit hindi ka mahal. Nagbibigay ka ng walang hinihinging kapalit. Nagiging mahina ka kahit malakas ka pa. Lumalaban ka kahit alam mong talo ka na.
Patuloy kang umaasa na balang araw mamahalin ka din ng mahal mo at nagmamahal ka kahit mali. Ano nga ba ang mas maganda? Naging matalino pero hindi mo naranasan mahalin ang mahal mo? O naging tanga ka pero nakapiling mo naman siya kahit sandali lang.
Sa pag-ibig naman minsan hindi mo maiintindihan kung ano ang tama at mali, kung ano ang pwede o hindi. O kahit alam mo ang tama at mali, ang pwede at hindi, pikit mata mong tinatanggi sa sarili mo dahil alam mo dun ka sasaya.
Madaling sabihin sa iba, bakit ka nagpapakatanga sa kanya? Hindi maiintindihan ng iba ang dahilan ng isang taong nagmamahal kung bakit patuloy siyang nagpapakatanga sa larangan ng pag-ibig. Kung hindi niya naranasan maging tanga kahit minsan.
Hindi mo pwedeng sisihin ang taong nagmamahal ng sobra dahil hindi mo naman siya pwede turuan kung ano ang dapat niyang gawin.
Hindi naman siguro mahalaga kung naging tanga ka dahil sa pag-ibig. Ang mahalaga alam mong maging matalino sa panahong kailangan mo ng gamitin ang isip mo.
Dapat mahalin mo din ang sarili mo, dapat mo din itong pahalagahan. Kung hindi mo mamahalin ang sarili mo paano ka mamahalin ng iba, kung ikaw nga hindi mo pinahahalagahan.
'Wag mong sayangin ang buhay mo sa isang taong hindi ka kayang pahalagahan o mahalin. Minsan masakit man tanggapin na ang taong nagpapasaya sa atin, ay siya din ang dahilan ng ating kalungkutan.
Siguro kaya nilagay ni God ang utak mas mataas kaysa sa puso, para paalalahanan tayo na 'wag kalimutan na gamitin ang ating isip.
Masarap magmahal, pero sana pagnagmahal ka, 'wag mong kalimutan gamitin din ang isip mo. 'Wag mong hayaan na puro puso lang ang pinaiiral mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento