Pagkatapos ng break-up, unang tanong sa sarili "paano ba ako magmo-move-on?"
Paano nga ba magmove-on?
Huwag mong isipin na hindi mo kaya na wala siya. Isipin mo na bago siya dumating sa buhay mo, nabuhay ka sa mundong ito na wala siya.
Try mong 'wag magmakaawa sa kanya na balikan ka niya o magbalikan kayo. Don't try to put yourself down just to beg for her/his attention, hindi siya kawalan.
Kung gusto mong umiyak, iiyak mo lang. Basta siguraduhin mo na hindi mo na siya iiyakan pang muli dahil mahal mo pa, kundi dahil pinagsisisihan mong minahal mo siya.
Pagkatapos mong umiyak, itapon mo ang lahat ng bagay na magpapaalala sa inyong dalawa. Okey lang maging bitter, kung 'yun naman ang tutulong sa'yo para makamove-on ka.
Hindi dahil nagbreak na kayo, ibig sabihin nun ay katapusan na nang mundo. Maraming tao sa mundo, go out with your friends or with your family, bring back your old social life.
Kung may magtanong man sa'yo kung okey ka, sabihin mo ang totoong nararamdaman mo. Kung hindi ka pa okey, sabihin mo sa kanila, alalahanin mo kaibigan o pamilya mo sila at handa silang makinig sa'yo.
Malay mo, sila rin ay nagdaan na sa ganyang sitwasyon. Pag sila ay nagbigay ng advice, maaaring makatulong pa sila sa'yo.
'Wag mong isiping babaguhin mo 'yung ugali mo. Don't pretend to be happy, be yourself. 'Wag mong idamay buong buhay mo, dahil lang sa nagbreak na kayo.
Alam kong mahirap sa simula, pero kung sasanayin mo ang sarili mo, magiging madali din ang lahat. Kung hindi ka handang mag let go, walang mangyayari sa buhay mo. Patuloy mo lang sasaktan at pahihirapan ang sarili mo.
Hindi lang naman ikaw 'yung nag-iisang iniwan. Lahat tayo sa buhay natin naranasan at mararanasan ang ganyang mga sitwasyon.
Kung iisipin mo, lahat naman ng kilala mong dumaan sa ganyang sitwasyon ay nagtagumpay diba? Dahil 'yon sa kadahilanang natuto silang tumanggap.
Tinanggap nila na hindi lahat ng bagay sa mundo mag-i-stay forever. Learn how to forgive and forget.
Alam kong sa simula hindi mo kayang magpatawad pero ito ang tatandaan mo, hindi mo man siya mapatawad ngayon. Darating at darating ang araw na pag okey kana, matatanggal din sa isip mo 'yung kasalanan na nagawa niya sa'yo at tatawanan mo na lang ang problemang ito na minsang iniyakan mo.
Maraming paraan para magmove-on pero desisyon mo rin ang tutulong sa'yo. Kung pipiliin mong makalimot at maging masaya o mananatili kang nakakulong sa kahon ng kalungkutan ng mahabang panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento