Martes, Disyembre 27, 2016

Love Problems



'Yung mahal mo may mahal na ding iba.


Panay ang isip mo sa kanya pero ni minsan hindi ka nga sumagi sa isipan niya.

Gusto mong mapalapit sa kanya kaso hindi na pwede.

Binibigyan mo lang kasi ng kahulugan ang mga ginagawa niya sa'yo kaya ang akala mo mahal ka rin niya.

Lalaban ka pa ba kung 'yung taong ipinaglalaban mo ay sumuko na?

Nagsimula kayo sa forever pero tinapos niyo naman sa its over.

Ang pagmamahal parang inuman 'yan, magsisimula sa masaya. Tapos magkaka-hang over ka hanggang sa masasabi mo na di mo na kaya.

Sinabi niya na mahal ka daw, pero saan na ba ito ngayon?

Seen zoned, ibig sabihin 'wag ka nang umasa. Wala na siyang balak replayan ka.

Friend zoned, hindi niya kailangan ng jowa sa ngayon.

Palihim kang nagmamahal kaya palihim ka ding nasasaktan.

Hindi naman masamang umasa lalo na kung mahal mo. Ang masama iyong nag-assume ka kaagad.

Hindi ginawa ang break-up para masaktan at lumuha ka. Ginawa ito para ilayo ka sa maling tao na inaakala mong tama para ssa'yo.

Isipin mo 'yung crush mo may crush din sa'yo, tapos 'yung mahal mo ay mahal ka din. Anong ending, eh di imagination mo lang lahat ng 'yun.

Mali ang sumuko sa isang taong alam mong mahal mo pa. Pero mas mali ang gumamit ng iba para makalimutan mo lang s'ya. Tandaan mo, hindi sagot sa pagmo-move-on ang pagpapaasa sa iba.

Move-on, madaling sabihin na kaya mo pero ang tanong kaya mo bang panindigan?

Sa picture hindi pwede ang tatluhan baka daw mamatay 'yung isa. Ganun din sa love hindi pwede ang tatlo baka mapatay mo 'yung isa.

Sa lahat ng party, ang hindi masaya ay ang third party.

Darating ang panahon na s'ya naman ang hahabol at ikaw naman ang walang paki-alam.

Mas mabuti nang tapatin ka sa masakit na katotohanan kaysa papaniwalain ka pa sa isang malambing na kasinungalingan.

Kung sino pa 'yung madalas maghinala s'ya pa 'yung may ginagawang hindi tama. 

Mamamatay daw s'ya pag iniwan ng girlfriend pero hanggang ngayon buhay pa naman din.

Alam mo naman talaga na hanggang kaibigan lang ang turing sa'yo. Pero hindi mo pa rin maiwasan na sana mas hihigit pa dun.

M.U. daw kayo, 'yung isa Masaya habang 'yung isa ay Uto-uto.

Ayaw mo pa sanang bumitaw para maipakita mong mahal mo pa pero binigyan ka ng maraming dahilan para isuko ang relasyong mayroon kayo.

May mga taong masarap sanang mahalin kaso hindi ka naman pinapansin.

Minsan ang pagiging heart broken ang nagpapabago sa isang tao.

Galit ka lang sa isang lalaki pero sa isang saglit ni lahat mo na matapos kang masaktan.

Mahirap kapag nakalimutan mo ang dapat tandaan pero mas mahirap pag lagi mong natatandaan ang dapat mong kalimutan.

'Wag mong gawing bestfriend kung may balak kang ligawan.

Kung mahal mo talaga siya, sa una pa lang hindi mo na siya iniwan.

Nilandi ka tapos nagpalandi ka rin. Ginago ka niya tapos nagpagago ka din. 

'Yung sobra niyong sweet sa isa't-isa, dati. Tapos biglang nanlamig 'yung isa ng walang dahilan.

Hindi ganun kadali na bitiwan ang mahal mo kung pinanghahawakan mo pa rin ang salitang 'babalikan pa rin niya ako.'

Tanggapin mo na mula nung araw na umayaw siya, isa na lang siyang ala-ala.

Ang effort nasasayang sa huli mo lang mararamdaman na nakakapanghinayang talaga.

Babalikan ka raw niya, pero may binalikan na palang iba.

Hindi pantay ang pag-ibig. May isang nagmamahal ng sobra habang 'yung isa naman ay konti lang.

Kapag nandyan ka, dinideadma. Kapag wala, hinahanap. Kapag nakatingin naman, umiiwas.

Sabi nga nila hindi porket libre ang pagiging tanga ay aaraw-arawin mo na. 

1 komento:

  1. CSGO-csgo Casino 2021 Guide - Shootercasino
    Looking for planet win 365 CSGO-csgo casino sites? ✓ We have reviewed csgo-csgo casino dafabet sites, including top sites and games with CSGO 온라인카지노 skins!

    TumugonBurahin